MASARAP at MASAKLAP sa Third Game ni Thirdy Ravena | SAKURAGI at MITSUI NAGHARAP Na Naman! | SHOCKS!

14 Просмотры
Издатель
Minsan, masarap lang din talagang magbalik-tanaw sa nakaraan. Nostalgia sa panahong naglalaro ka pa sa mga iba’t ibang liga na kung saan kapag finals ay papatayin ang ilaw at may pa-fountain pa upang ipakilala ang mga players bago magsimula ang mismong laro. At sa unang home game ni Thirdy Ravena, medyo ganoon ang pakiramdam. #ThirdyRavena #PUSOSports

Nostalgia rin sa panahong sikat na sikat ang anime na “SlamDunk” sa tv. Sa matingkad na kulay ng buhok ni Thirdy na may pagkakahawig sa kapulahan ng sa bidang si Hanamichi Sakuragi, at sa uri ng laro at numerong 14 ng player ng Osaka na si Takuya Hashimoto na parang sya ang scorer na si Hisashi Mitsui, parang bumalik ka sa unang eksenang sila pa ay magkatunggali.

Dagdag mo pa ang kakaibang kwento nitong si Hashimoto na nagbabalik-loob o nabigyan din ng ikalawang pagkakataon sa paglalaro ng basketball matapos nga syang mabigyan ng one-year ban sa kanyang nagawa noong 2018 Asian Games sa Indonesia. Sa kanyang mga ipinakita nga ngayon ay mababatid mong iba rin talaga ang kalibre nitong player na ito kaya minsan nang napasama sa national team ng Japan.

Di rin naman basta-bastang nagpadaig itong si Ravena. Kumuha ng kumpiyansa mula sa mainit na pagtanggap ng kanilang mga tagahanga’t tagasubaybay, maaga nga syang nakapag-ambag sa opensa ng NeoPhoenix. Kung sa mga una nilang games, puro pagsalaksak, ngayon ay kumasa naman sya sa tres. Tinapos nga nya ang first half ng may 11 points sa kanyang pangalan.

Nandoon pa rin ang estratehiya ng kanilang coach na hindi sya pagsimulain ng 3rd quarter kahit na pa fresh sila sa pahinga ng halftime. Hindi pa natin mapatunayan kung epektibo ito dahil sa dalawa nilang larong nandoon si Ravena sa lineup ay nagiging hindi maganda ang kinalalabasan ng kanilang laro. Kayo, ano sa tingin ninyo ang posibleng wisdom o dahilan sa ganitong uri ng taktika?

Gayunpaman, noong ibalik si Ravena sa nalalabing mga sandali ng 3rd at 4th quarters, nagpatuloy lamang syang magbigay ng tulong para sa kanyang koponan. Dahil nga sa kanyang hustle at swerte ay nakakuha sya ng mga steals na nagbunga ng mga fastbreak points. Mayroon pa ngang isang pagkakataon na kung saan si Hashimoto pa mismo ang sumabay sa kanya at nakadagit pa nga sya ng and-one.

Masaklap nga lamang dahil sa huli nilang engkwentro ay nakabawi itong si Mitsui ng Osaka sa Sakuragi ng San-en. Sa pag-atake nga ni Hashimoto sa basket ay nakakuha nga sya ng layup na nagbigay sa visiting team ng isang puntong kalamangan para magwagi ang kanyang koponan.

Talo man sa gabing ito, ipinarating pa rin ni Thirdy sa kanyang panayam pagkatapos ng game ang kanyang pasasalamat sa mga fans ng San-En. Lalo na sa mga Pilipinong pumunta sa mismong arena. Alam siguro ni Thirdy na pinoy iyong mga may pinakamalakas na hiyaw. Alam nyang hindi sya nag-iisa dahil nandoon ang kanyang mga kabayan, nakasuporta. Iyan ang puso at samahang Pilipino.

Babawi raw sila sa susunod nilang laro. Tall order at di man madali ang magiging susunod na kalaban, aabangan pa rin natin kung paano maglalaro ang kanilang buong koponan. At dahil kahit saan mang sulok ng mundo ay may Pilipino, may sisigaw para kay Thirdy panigurado sa Tokyo.

__________________________________________________________________________________

Manood ng live!

Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!

This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.









Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!
Категория
Прочее видео
Комментариев нет.